Love is life. To live means to love.

Jun 22

jhessacarla asked: hey your back! sorry to hear about that person who hacked you! im sure bahala na si lord sa kanya!! GV lang ^_^ nice updates, the story is getting more and more intersting!!! keep it up!

Yeah, GV all the way! Tatapusin ko lang po assignments ko then magtatype ulit ako. Thank you so much po! :)

Will try to update 3 more chapter if not by midnight, then by early morning tomorrow. My lovely readers, will you please do me a favor? I need feedback guys. May it be positive or negative. I just want know what you guys think of this fiction. I would really appreciate comments and suggestions on how to improve this. Again, thank you for your time & patience in reading this fiction. Spread the love with good vibes!

SO MUCH FOR A HAPPY ENDING: Chapter 13

Mahinang kumatok si Julie sa pinto. Binuksan niya ito at sumilip ng bahagya. Agad naman siya pinapasok ng mga sa tingin niya ay senior students na namamahala sa glee club.

“Dalawa kayong mag-o-audition?” tanong ng sumalubong sa kanila sabay sara nito ng pinto ng auditorium.

“Ako lang po.” Sabi ni Julie.

“ Oh I see. Welcome to the audition. Is it okay with you pretty ladies kung yung mag-o-audition na lang muna ang nandito sa loob?” mapagkumbabang tanong ng babae.

Nilingon lang ni Julie si Coleen at nakita niyang sumenyas ito na ayos lang sa kanya.

“Sa labas lang ako. Good luck. Alam ko magaling ka na pero galingan mo pa.” niyakap siya ni Coleen bago ito lumabas ng hall.

Nang lumapit siya sa stage ay kakatapos lang ng isa ding nag-audition. Lakas loob siyang umakyat sa stage at nagsalita.

“Good afternoon po sa inyong lahat. My name is Julie Anne San Jose. A Communication Arts freshmen student.” Pakilala niya sa sarili at agad na rin itong kumanta.

“Looks like we made it

Look how far we’ve come my baby

We mighta took the long way

We knew we’d get there someday

They said, ‘I bet they’ll never make it’

But just look at us holding on

We’re still together, still going strong

You’re still the one I run to

The one that I belong to

You’re the one I want for life

You’re still the one that I love

The only one I dream of

You’re still the one I kiss good night

Ain’t nothin’ better

We beat the odds together

I’m glad we didn’t listen

Look at what we would be missin’

I’m so glad we made it

Look how far we’ve come my baby”

Tumayo ang babae na nag-accommodate sa kanya kanina na nagpaalam niyang ang pangalan ay Jenny. Napagtanto niyang yun ang presidente ng club.

“Wow! That was impressive…and deep. Maraming magagaling kumanta, pero di lahat di napaparamdam sa audience ang kahulugan ng kanta.”

“Thank you po!” nakangiting sagot ni Julie. Paanong hindi niya mararamdaman ang kanta dahil habang kumakanta siya, ang nobyo niya ang naisip niya.

“We’ll just post the names sa bulletin board tomorrow. Good luck!” at tuluyan na ngang bumalik sa pwesto niya si Jenny. Pinulot ni Julie ang bag niya at tumungo na sa pinto. Bago pa man niya mahawakan ang door knob ay nagbukas na ito. Isang hinihingal na Sam ang bumulaga sa kanya.

“What are you doing here? Mag-o-audition ka rin?” nagulat si Julie.

“Malamang…” ngumiti ito, habol na habol pa rin ang paghinga. “Akala ko alam mo na?”

“Huh? Nagtanong ka lang tungkol sakin, pero di ko alam na sasali ka din pala. Eh bat ngayon ka lang? At hinihingal ka?”

“Katatapos lang kasi ng basketball practice namin.”

“Oh siya, lapit ka na dun.”

“Tapos ka na?! Sayang di ko man lang napanood. Ingat pauwi!”

“I’m not going yet. Mind if I watch?”

“Oo ba, basta pumalakpak ka sa akin ha?” biro ni Sam sa kanya.

“Aja! Galingan mo!” Nanatiling nakatayo si Julie malapit sa pinto ng auditorium habang pinapagmasdan si Sam umakyat sa stage. Nakita niyang nagngitian sa isa’t isa ang seniors students. Napangiti na rin siya ng naisip ang dahilan ng mga ngiting nakita niya. Mas lalo siyang napangiti sa pagkamangha ng nag-umpisa nang magperform si Sam. Ramdam na ramdan nito ang energy ng kaibigan sa ibabaw ng stage. Hindi lang ito basta kumanta ngunit sinabayan niya pa ito ng sayaw.

I’d rather give you the world

Or we can share mine!

I know that I won’t be the first one given you all this attention

 

But Baby listen,

I just need somebody to love

I, I don’t need to much

Just somebody to love

Somebody to love

I don’t need nothing else

I promise girl I swear

I just need somebody to love

Everyday I bring the sun around

I sleep away the clouds

Smile for me (Smile for me)

 

I would take

Every second

Every single time spend it like my last dime

Step to the beat of my heart

 

I don’t need a whole lot

But for you I need I

I’d rather give you the world

Or we can share mine!

 

I know I won’t be the first one

Given you all this attention

Baby listen!

“Hindi naman kita nakitang pumalakpak.” Nakangiti si Sam habang lumalapit kay Julie.

Sinalubong din siya ng malaking ngiti ni Julie. Agad naman itong pumalakpak ng maalala ang deal nila. “Grabe! Wala akong masasabi. Ang galing2x mo! To the highest level ang energy. Tapos yung mga galaw mo-“

“Akala ko ba wala kang masabi?” putol sa kanya ni Sam.

Natawa na lang silang dalawa palabas ng hall. Ilang hakbang pa lang ang layo nila sa pinto ay napahawak si Julie sa braso ni Sam. 

SO MUCH FOR A HAPPY ENDING: Chapter 12

“Is this car a Chevy Cruze?” tanong ni Julie.

“Yes. Mahilig ka sa sasakyan?” tanong din ni Sam.

“Not really. Ganito din kasi sasakyan ni Elmo.” Nakangiting sabi ni Julie habang iniikot ang mata sa loob ng sasakyan.

“Who?”

“Elmo, my boyfriend.”

“Oh, I see. Wala nga naman kasing Chevy Cruze sa Sesame Street.”

“Bad pagtawanan ang pangalan ng iba.”

“Di naman ako tumawa ah?”

“Hindi ba?” nilakihan ni Julie ang dilat ng mata niya para kunwaring takutin si Sam.

Natawa si Sam sa ginawa niya.

“Oh ayan oh! Tumatawa ka!”

“Eh pinapatawa mo ko eh!”

“Uy hindi ah! Tinatakot kaya kita!”

“Ay, pananakot pala dapat yun?” hininaan niya ang boses niya at dinugtungan ng “paano ka naman magmumukhang katakot takot eh mukha kang anghel “

“Ha? Paki-ulit?” sabi ni Julie.

“Walang ulitan sa bingi.” nakangiting sagot ni Sam.

“Hindi ako bingi noh. Sadya lang talagang bumulong ka diyan sa sarili mo.”

Hindi sumagot si Sam, medyo nag-alangan sa nasabi niya. Hindi rin nagsalita si Julie. Sandaling nanaig ang katahimikan kung kaya’y hiniling ni Julie na paandarin ang music player.

“Let me listen to the kinds of music you have here.” pinindot nito ang play button.

“I mostly have pop, R&B…”

“I don’t think that passenger’s seat,

Has ever looked this good to me.

He tells me about his night,

And I count the colors in his eyes.”

“…and yeah, that one, country.”

Nang palapit na sila sa entrance ng subdivision ay medyo humupa na ang traffic. Agad namang nasundan ni Sam ang direksiyon ni Julie ng block number nila. Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang bungalow na bahay. Bago tuluyang bumaba si Julie ay nagbigay ito ng isang napakatamis na ngiti at pasasalamat kay Sam.

———————-

Sa kabilang dako ng mundo, hinalikan ni Elmo ang screen ng iPhone niya. Pagkatapos ay tinignan niya ito ulit at ngumiti. “I would open my eyes every morning because of you Julie.” sambit nito. Habang pinagmamasdan nito ang wallpaper niya ay lumitaw naman ang pangalan ng babaeng nasa picture.

“I’ve just kissed you from my phone.” agad na bati ni Elmo.

Natawa si Julie. “Good morning! Ang aga mo magloko ah.”

“Kung pagloloko ang pagmahal sayo, eh di loko-loko na ko.”

“Yung tipo bang dapat na i-admit sa mental hospital?” nakatawang tanong ni Julie.

“Hindi. Yung tipong wala ng lunas.”

Pareho silang tumawa ng malakas. Pero sa  kabila no’n ay mas tumindi naman ang kirot sa puso ni Julie pag naaalala niya ang mga pagkakataong pinapatawa siya ng nobyo.

“I miss you!” halatang may lungkot sa pagkakasabi niya.

“I miss you so much my Julie!” tugon naman ni Elmo. “Wag ka na malungkot, may good news ako sa’yo. Natanggap ako sa basketball team sa school.”

“Congrats baby! As if naman unexpected yan.”

“Wag ka, ang tataas ng players dito noh. Hanggang bewang lang nila ako.”

“Ang exaggerated nito! Pero kasi nga sobrang galing mo, wala naman sinabi ang taas nila.”

“Ayun oh, nagsalita ang presidente ng fans club ko.”

Natigil ang tawanan nilang dalawa ng makarinig ng “Dinner!” mula sa kabilang linya. “Susunod na ko mom.” sagot naman ni Julie sa  mommy niya.

“Wow, namiss ko tuloy ang luto ni tita.”

“Oh sige na, balikan na lang kita after dinner lalaking matakaw sa spaghetti!”

Pareho lang silang natawa at pinutol na ni Julie ang tawag na iyon. Hindi pa agad binaba ni Elmo ang phone niya, tinitigan pa rin nito ang picture ni Julie sa cellphone niya.

SO MUCH FOR A HAPPY ENDING: Chapter 11

“So, what song are you picking for the audition tomorrow?” tanong ni Sam kay Julie habang naglalakad silang tatlo palabas ng school.  

“Whoa! Bukas na pala ang audition sa glee club ano? Tsk. I forgot to prepare.”

“You still have the whole night. I’m sure kaya mo yan.”

“You’re right. Thanks for reminding me.”

Unang dumating ang sasakyan nina Coleen kung kaya’t nauna na itong umuwi. Habang naghihintay ng sundo niya, napansin ni Julie ang kakaibang titig sa kanya ni Sam. Bilang ganti, binigyan niya si Sam ng isang nagtatakang mukha.

“Wala lang. May narealize lang ako.”

“Ano yun?” tanong ni Julie.

“Na tama si Josh.”

“He is right about what?”

“Na maganda ka nga.”

Natawa si Julie. Hindi niya alam kung anong reaksiyon ang ibibigay niya. Una ay nagulat siya na ngayon lang iyon napansin ni Sam sa kanya. Nasanay kasi siyang yun lagi ang nakikita ng ibang tao sa kanya, ang pisikal na kagandahan niya. Subalit bago siya mag-ponder tungkol doon ay inalis niya na ang conceited na idea na yun sa isipan niya. Pangalawa, nagulat din siya kung bakit sinabi iyon ni Sam sa kanya.

“Akala ko ba sanay ka ng sinasabihan na maganda? Bat namumula ka?” nakangiting tanong ni Sam sa kanya.

“Am I?!”

Nakangising mukha lang ang tinugon nito.

“Hindi nga? Do you have mirror?” Hindi basta-basta nagbublush si Julie. Kaya nagtaka siya kung bakit na lang siya nagblush ng ganun.

Nagtaas ang isang kilay ni Sam. “You’re the girl, tapos ikaw pa magtatanong kung may salamin ako?” Namangha si Sam sa kanya. Siya pa lang ang alam nitong ganoon kagandang babae na walang salamin sa loob ng bag.

“I don’t bring a mirror. Sanay lang akong paminsan lang mag-check sa salamin.”

Lalong namangha si Sam. Julie is not that conscious of her physical appearance. Though naisip ni Sam na dahil iyon sa alam naman na ni Julie na maganda siya, impressed pa rin si Sam na napaka-effortless ng pagka-stunning niya.

“That’s unusual. But impressing.” Sabi ni Sam.

“Ang tagal ata ng sundo ko.” Inilabas ni Julie ang cellphone niya para tawagan ang driver nila. Ngunit bago pa man niya iyon nagawa ay na-una ng nagtext ang driver nila. “Shocks. May inaayos daw na kalsada sa subdivision namin, hirap lumabas ang mga sasakyan. Baka gabihin pa ng dating ang driver namin.”

Habang nagbabasa sa cellphone ay nagsalita din si Sam “Nagtext din ang mom ko na umuwi na daw ako agad at hirap daw makalabas-pasok ang mga sasakyan sa subdivion namin…Sta. Teresita Village.” Napatingin ito kay Julie at nakitang nanlaki ang mata nito sa huli niyang sinabi.

“We live in the same subdivision!” natuwang tugon ni Julie.

“Really? So we better go now.”

“Kakasabi ko nga lang, baka gabihin pa ng dating ang sundo ko. Mauna ka na lang pagdating ng sundo mo.”

Tumayo si Sam sa bench na kanilang inuupuan at lumapit sa isang asul na sasakyan. Binuksan niya ang pintuan nito sa passenger’s seat at bahagyang umatras. Nakangiti itong lumingon kay Julie.

“Is that yours?” sabay tayo at lumapit kay Sam. “Eh bat nagstay ka pa kung may sasakyan ka pala?”

“Para samahan ka. Nauna na si Coleen eh, so naisip kong mas maiging samahan na muna kita. Please get in.”

Natigilan pa rin si Julie. Halatang nag-aalangan pumasok.

“625-98-02” seryosong sabi ni Sam.

“Ano yan?”

“Phone number ng pinakamalapit na police station. In case lumiko ang sasakyan ko.”

Natawa si Julie. “I wasn’t thinking that.” Sabi niya.

“I understand. So, don’t you think we better go now at baka lalo tayong gabihin?”

Pumasok si Julie sa sasakyan, si Sam naman ang nagsara ng pinto at pumasok na rin sa driver’s seat.

Jun 21

I don’t know what to say. Nahiniya po ako sa inyo. First of all, I wanna tell everybody that this account has been hacked. I was about to update last thursday when suddenly I can’t open it anymore. I tried resetting my password through my email. But sad to say, my email add has been hacked too. I felt like crying because my email contains many important files. Di bale sana tong tumblr kasi I can just repost everything here. However, I had no plan of giving this account up since finofollow na ito ng official tumblr ni Sam Concepcion. So what I did was, I sought professional help. And thanks to that someone ‘cause I’m now able to access this account. I also got the hacker’s IP address. I found out na during the period that this account was hacked, it has been sending private messages to my followers without me knowing it. It sent one rude message to a JuliElmo fan. And also sent a message to Sam’s tumblr account. Nakakahiya, sobra! I don’t know what the intention of the hacker is. One thing is for certain, there’e somebody up above who’ll take charge of him/her. Again, sorry to those who’ve received nonsense messages from this account. It wasn’t me who sent you those. Also, I really apologize to those who patiently waited and who are still patiently asking for updates. I didn’t mean to keep you waiting. So, this sounds what now? Update? :)

Jun 14

SO MUCH FOR A HAPPY ENDING: Chapter 10

Nang sumunod na lunes, as usual, maagang pumasok si Julie sa eskwela. Nang matapos ang first class, sa cateria ang diretso nila ni Coleen.

“Julie, ayaw mo ba talaga sabihin kay Elmo?”

“Not this time, nag-iipon pa ‘kong lakas ng loob.”

“Kasi Julie I think napaka-unfair kay Elmo nun…” di pa man tapos magsalita si Coleen ay nagtanong si Julie.

“Is that Sam?” nakatingin sa grupo ng mga lalaki sa kabilang table.

“Hindi, si Robert Pattinson yan.”

“Haha! Sira! Dami niya na agad friends ha.”

“I think that’s the freshmen’s basketball team.”

“He’s part of it? That’s…wow! Nga pala, were you the one who gave him my BBM pin?”

“What the?! I didn’t!”

“So how come he had it? I can’t think of anybody else here na makukunan niya nun.”

Napa-isip si Coleen. “Ah…siguro nung ano…nung friday. Habang pinahawak ko sa kanya mga yung phone ko. Kinuha niya siguro. Bad cutie!”

“Magkasama kayo?” ngiting-ngiting tanong nito.

“Absent ka kasi! Wala akong kasama kaya sinamahan niya ako. That was so OMG Julie! Alam mo ba, kahit hindi siya tumuloy sa audition, sinamahan niya ko. And! Humabol talaga siya from his basketball try out ha!”

“That’s another wow! Ang gentleman pala niya!”

“Very. Bukod sa napakagwapo na, mukhang napakabait pa. Ang malas lang nung ex-girlfriend niya at nagkalayo pa sila.”

“Huh? Pano mo naman nasabi yun?”

“Ikinuwento kasi niya. Galing din pala kasi yang si Sam sa America. He had a girlfriend there. Pero eventually nag-break sila kasi di kinaya ang long distance relationship.”

Julie’s POV: (Sana pala nagpalit na lang sila ni Elmo. Sana siya na lang ang nandoon sa America at si Elmo ang nandito, kasama ko. Eh di sana Masaya ang lahat…)

Tumayo si Sam at ang mga kaibigan niya at nagsihiwalay sila ng landas. Si Sam at ang isang kaibigan niya ay napadaan sa table nina Coleen at Julie.

“Hey beautiful!” bati nung kaibigan ni Sam kay Julie.

“Back-off man.” biro ni Sam.

“Oh sorry. I’m just describing what I’m seeing.”

“It’s okay, sanay na si Julie sa mga ganyan.” nakatawang sumabat si Coleen.

“So the name is Julie. Hi there Ms. Julie, I’m Josh.” Nag-alok ng kamay ito.

Nag-aalangang inabot iyon ni Julie.

“Don’t worry nag-Biogenic ako, patay lahat ng mikrobyo.”

Nagtawanan ang lahat.

“So pano, mauna na ’ko. Nice meeting you all. Sam, see you around bro.” Paalam ni Josh at tuluyan na nga itong lumabas ng cafeteria.

“Ma-upo ka.” Hinila ni Coleen ang upuan sa tabi niya.

“No, thanks.” tanggi ni Sam. “The class’ about to start in 10 minutes, di pa ba kayo pupunta ng room?”

“Oh no, di namin namalayan ang oras.” sabi ni Coleen sabay ligpit ng mga gamit niya.

Sabay-sabay na silang tatlo ng tumungo sa susunod nilang klase. Habang naglalakad sila ay nagbiro si Julie.

“Da who itong magaling na manghuhula na kinuha ang BBM pin ko sa cellphone ng bestfriend ko?”

“Hahaha! Da who yan? Ang sama niya!” tawang-tawa si Sam.

“Oo nga, ang sama. Buti na lang binalitaan niya ko na meron pa lang assignment.” Natawa ding sabi ni Julie.

“Ayun naman pala eh. May naitulong naman pala yung bad guy na yun. Forgiven na ba?”

“Ano siya hilo? Siyempre hindi pa. Unless aaminin niya kung paano nga niya nakuha.”

“Ano daw kasi…uhm…hinulaan niya yun  habang tinitignan yung nakadilang smiley sa cellphone ni Coleen.”

Malakas na tawa lamang ang tugon doon ni Coleen at Julie.

“Oh siya, dahil bad siya, babawi na lang daw siya.” seryosong sabi ni Sam.

“Ang seryoso nito. Okay lang ano ka ba.” Naka-ngiting tinignan siya ni Julie.

Sam’s POV: (She looks like an angel…)

Jun 12

Anonymous asked: Wow! Ang swerte2x niyo naman po at finollow kayo ng official twitter ni Sam! Ano po sinabi niyo sa kanila at finollow nila kayo?

Weeeee! I feel so lucky talaga! Di ko alam kasi na nangfofollow back sila ng fans. Sabi ko lang kung okay lang ba sa kanila ang dream tandem na SamLie. Tapos yun nga wala naman daw problema dun. And nagthank you sila sa pagsuporta kay Sam. Tapos nakita ko na lang finollow back nila ako. Ang bait2x nila grabe lungs! :)))

Anonymous asked: Thank you for updating!!! you don't know how much i waited for these chapters!!! I ♥ you na!

OMG! Sorry po talaga at naghintay kayo. Gala po kasi ako. Weeee! Nakakatouch naman kayo! I heart you too! Naks!

Anonymous asked: is your ff forever samlie or julielmo?coz if it is samlie i think i will stop following you.
makitid kasi utak ko.
hahaha.
puro julielmo.

To be honest, I started this as a JuliElmo FF. Pero habang nag-iisip ako ng convo ni Sam & Julie, kinilig ako at nagbago ang isip ko. Hehe. I appreciate your idea of unfollowing po kesa naman mainis pa kayo sa akin. I respect your feelings and I hope you respect mine too. Thank you though! Spread the love with good vibes! :)