Love is life. To live means to love.

Aug 10

Anonymous asked: YAKULT FF!! kaman, #samlie :)

sige po, will try. kaya lang di ko pa natatapos yung isa eh. wala akong magandang maisip. oh kung meron man, di napupunta sa tinatype ko ^^

Aug 08

A Peek From The Future

Setting: Startalk TX

Airtime Date: August 10, 2013 (Saturday)

Interviewer: Butch Francisco

VTR’s voice-over: (end part) “…napapasambuhay na nga ba ang mga linya ng mga kanta nila? Has reel love turned into real love? Ang pag-amin, live na live ngayong hapon! Ang hottest musical loveteam ng bansa, Julie Anne San Jose at Elmo Magalona”

Butch: “Good afternoon…”

(sabay)

Elmo: “Good afternoon po…”

Julie: “Good afternoon Tito Butch…”

Butch: “Okay, hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa.” *smile* “Are you…officially a couple?”

*Elmo, tumingin kay Julie*

Julie: “Uhm…Yes!”

Butch: “Dinig na dinig nating lahat, ang ‘yes’ ni Julie Anne. Yes, that she and Elmo are officially dating. Elmo?”

Elmo: “Tama po Tito Butch…” *smile na wagas*

Butch: “Okay, since when?”

Julie: “Weeks ago…”

Butch: “What exact date?”

Elmo: “Secret na lang po” *bungisngis*

*Julie, tawa*

Butch: “Sige, paiimbistegahan natin yan.” *tawa* “Okay, we all know na matagal na ang loveteam na JuliElmo. Kauumpisa pa lang ng Party Pilipinas noong 2010, pinagtambal na kayo eh. Matagal ng inexpect ng mga fans niyo na magiging kayo. It’s almost 3 years, bat ngayon lang? How was your process of falling in love with each other?”

Julie: “Ahh…”

Elmo: “Ako po kasi, matagal ko na po talagang nagustuhan si Julie. I mean, sino po ba naman ang hindi mahuhulog sa kanya diba.”

Julie: “Ganun?!”

Elmo: *tumingin kay Julie* “Oo naman!” *smile*

Butch: “So, matagal mo na siyang gusto. Eh bat ngayon lang naging kayo? Ano to, natorpe ka ba nung una, o binusted ka ni Julie, ano ba?”

Julie: *tawa* “Ay hindi po, hindi ko naman po siya binusted. Wala naman po kasing naganap na ligawan dati.”

Elmo: “Ah, hindi naman po sa natorpe Tito Butch. Kasi nafeel ko lang pong hindi pa tamang panahon dati. Kasi nung mga time na yun, madaming pang ibang priorities si Julie. And we were so young pa, so hindi pa pwede ang ilang bagay.”

Butch: “Oo nga naman pala. But both of you are, what, 19 na diba? So bakit right after nung nag-18 kayo pareho, hindi mo na agad niligawan? Bat tumagal pa lalo ang paghihintay mo Elmo?”

Elmo: “Eh kasi po Tito Butch, when I decided right even before na maghihintay ako ng tamang oras para sa kanya, it didn’t necessarily mean naman na it’ll be right after she turns into legal age eh. I mean, wala naman po kasing definite time yung paghihintay ko.”

Butch: “So how did you know na right time na nga para ligawan siya?’

Elmo: “Uhm…” *smile* “ Siyempre. Mararamdaman mo naman eh, kung nasa tamang lugar na ang mga tamang bagay, then I think, tamang oras na yun.”

Butch: “Pero hindi ka ba nag-alala Elmo, na sa ganda ni Julie, may ibang nagkagusto sa kanya. And what if, nung right after she turned 18, may nanligaw sa kanya?”

Elmo: “Ano naman po eh, kung saan naman po masaya si Julie, okay naman sa akin.”

Butch: “Oh? Kahit masaktan ka?”

Elmo: “Oo naman po. That’s the risk of loving eh.”

Julie: “Naks naman!”

*Elmo, ngumiti ng wagas*

Butch: “Ikaw naman Julie, what’s with Elmo na nasungkit niya ang matamis mong ‘oo’? Ikaw ba, matagal mo na rin siyang gusto?”

Julie: “Kami po kasi ni Elmo, siyempre matagal na kaming magkasama, sobrang kilala na naming ang isa’t isa. I became very comfortable with him, and I considered him as my bestfriend. And masasabi ko pong, napakabait niya. God-fearing, composed, sweet, and napaka-gentleman niya po.”

Butch: “Tignan mo si Elmo, nagbublush” *tawa*

Julie: “Kinikilg yan!” *tawa*

*Elmo, tawa*

Butch: “Pero ano ba Julie, even before ba, di ka nagkagusto kay Elmo? Kasi siya aminado naman na matagal ka na niyang nagustuhan at naghintay talaga siya ng ilang taon para sa sayo! Kamusta naman yun?”

Julie: “Siyempre po, even before special naman siya sa akin eh, sabi ko nga I considered him as my bestfriend, sa dami na ng pinagdaanan namin together.”

Butch: “So, hinintay mo lang talagang manligaw siya?”

Julie: “Not exactly like that. Kasi po ako, kung ano lang yung dumadating sa akin, dun lang po ako nakafocus.”

Butch: “Pero, crush mo na rin ba siya dati pa?”

Julie: “Ha?” *tumingin kay Elmo* “Uhm…siyempre naman po diba, Elmo Magalona yan eh!”

Butch: “So now, you’re both blushing”

*tawa ang lahat*

Butch: “Pero Julie, alam naman nating lahat na naging priority mo talaga yung studies  and career mo. May na-issue man sa iyong ibang lalaki dati, pero hanggang pagtingin lang sila sa iyo. But Elmo on the other hand, may mga ibang babaeng nalink sa kanya. How did you feel about that? And follow-up question ko for Elmo, paano nangyari yun? Kasi sabi mo diba, si Julie talaga ang hinintay mo? Bat may nalink sayong ibang babae?”

Elmo: “Well, ganun-“

Butch: “Ah Elmo, si Julie muna pasagutin natin ha?”

Elmo: *tawa* “Ay sorry po, okay.”

Julie: “Okay lang din naman po yun sakin. Ganun din po, kung san din po masaya si Elmo, dun din po ako.”

Elmo: “Gaya-gaya!” *tawa*

Julie: “Totoo naman eh!”

Butch: “Oh Elmo, your turn.”

Elmo: “Uhm, yun nga po, di naman po talaga mawawala sa mundong ginagalawan natin ang mga issues na ganyan. Kahit po yung mga bagay na di dapat lagyan ng malisya, nabibigyan ng malisya.”

Butch: “So are you trying to say na walang katotohanan yung mga yun?”

Elmo: “Eversince naman po sinasabi ko namang di dapat lagyan ng malisya ang mga yun. Everytime na may makita silang ibang babae na kasama namin, iniisip nila agad dinedate ko, when in fact group date naman talaga. I guess, that is how showbusiness maintains it colors.”

Butch: “Okay, for once and again, Si Elmo ay mukhang seryoso naman talaga kay Miss Julie Anne San Jose. “

Elmo: “Oo naman po…”

Butch: “Okay, Julie & Elmo, maraming-maraming salamat  at ipinagkaloob ninyo sa amin ang pagkakataong ito. It’s really a big honor for us na ang pinakapagkakaguluhang loveteam sa panahong ito, dito mismo umamin, dito lang yan sa StarTalk!”

Julie: “Thank you very much po Tito Butch!”

Elmo: “Thank you so much for having us StarTalk!”

Butch: “We wish you both to all the best sa relationship. At nawa’y maging mabuting bagay ito sa inyong dalawa, and continue inspiring and making each other happy. Pero siyempre, before we go for a commercial break, pagbigyan natin ang mga fans niyo. Ano nga yun?”

*Audience: Kiss!*

Butch: “Ayun oh! Kiss daw!”

*Elmo, nakangiti*

*Julie, humalik sa pisngi ni Elmo*

Butch: “Ay, luma na yan! Sawa na kami sa cheeks niyo. Dapat, ibang level naman daw.” *grin*

Elmo: “Ay, bata pa po si Julie eh!”

Julie: “Oo naman, matanda ka na kasi…”

*tawanan*

*Audience: Sa Lips!*

*Unti-unting nagkalapit ang mukha nilang dalawa. At ang kanilang mga labi*

*Julie, nakangiti*

Butch: “Julie, pano naman mahahalikan ni Elmo ang mga labi mo niyan eh nakalabas ipin mo sa kakabungisngis.”

*Nagkalayo sila*

Julie: “Eh kasi naman po eh!” *tawa*

*Hinawakan ni Elmo ang pisngi ni Julie at hinalikan ito…sa noo!*

Butch: “Ay, gentleman nga…”

*Nagyakapan silang dalawa*

*Commercial*

———————-

A/N: Pambawi lang, pero ngayon lang po ito. Mas baliw pa rin ako sa SamLie <3

Aug 02

Dumestiny na naman ang SamLie ko :)

Dumestiny na naman ang SamLie ko :)

Jul 06

schutothepid asked: Ate, update ka po.. ang ganda po ng FF mo.. i love it.. super linaw basahin.. hindi nakakalito.. power post please..

aww! thank you po! it’s just that wala lang talaga akong enough inspiration and motivation magpost ngayon. i need a samlie moment. haha! masyadong natatabunan ng julielmo KV po eh :)

Wacky yet pretty! That&#8217;s JULIE ANNE SAN JOSE! :)

Wacky yet pretty! That’s JULIE ANNE SAN JOSE! :)

Jun 27


Baby you&#8217;re my destiny. You &amp; I are meant to be. :)

Baby you’re my destiny. You & I are meant to be. :)

Jun 25

jezryl231 asked: ano po ung post niyo ung about sa bbm ni julie? in real life na po ba o dun lng sa ff niyo?. hahaha. :))

Hahaha! Kathang-isip lamang po. Sabay pangarap na sana totoo :D

Hindi kaya nagtampo/nagalit si Julie last month kay Moe kasi binigay nito ang BBM pin ni Julie kay Sam?! Hahaha! Nag-aadik lamang po, peace! :D

Jun 23

SO MUCH FOR A HAPPY ENDING: Chapter 14

Napasandal ang ulo ni Julie sa balikat ni Sam. Bago pa man siya tanungin ni Sam kung ano ang nangyayari sa kanya ay nawalan na ng malay si Julie. Agad niyo itong binuhat at upang dalhin sa school clinic. Ngunit bago pa man tuluyang marating ni Sam ang clinic ay nakita sila ni Coleen.

“Anong nangyari?” takot na tanong ni Coleen.

“She fainted. Help me bring her to the clinic.”

“No,” nanginginig na sabi ni Coleen. “let’s take her directly to the hospital. Trust me on this.”

Mabilis nilang tinungo ang sasakyan ni Sam. Habang nagdadrive, panay ang tingin ni Sam sa salamin sa loob ng kotse niya, pinagmamasdan ang dalawa. Nakita niya ang pigil na pigil na luha ni Coleen habang hinihimas ang palad ni Julie.  Tinignan din niya ang mukha ni Julie, masyadong maputla. Napalunok si Sam, nanlambot ang mga kamay niya sa steering wheel.

Sa labas ng emergency room, nakaupo si Coleen, nakalibing ang mukha sa mga palad niya. Hindi na nito napigilan ang pagtulo ng luha niya. Hindi nito kinibo si Sam na nakatayo sa gilid niya, nakasandal sa pader, at nakatingala lang sa kisame. Maya-maya pa ay lumabas ang doctor at lumapit sa kanila.

“Natawagan niyo na ba ang mother ni Julie?”

“Yes doc, she’s on her way.” Sagot ni Coleen.

“Good. We need to start the therapy as soon as possible. Nagsimula na kasing kumalat sa buong katawan niya. Just tell her mom to see me as soon as she arrives.” at nagpaalam na muna sandali ang doctor.

Napayuko si Coleen. Hindi na nito napigilang humagulgol. Nilingon nito si Sam. Nakita nitong nanlaki ang mata ng lalaki.

“I knew it…” lumapit si Sam kay Coleen at niyakap ito.

———————-

*BUZZ!*

Nakatatlong buzz na si Elmo sa mobile YM pero walang nagrereply. Nagpasya siyang tawagan na lang ito.

Pinatay na ni Sam ang makina ng sasakyan niya. Pababa na siya ng sasakyan ng mapansin na may umiilaw-ilaw mula sa isang bag sa backseat, iyon ay naiwan na bag ni Julie. Agad kinuha ni Sam ang cellphone ngunit hindi naabutan ang tawag. 14 missed calls, nakita niya. Muli itong nag-ring. Nag-alangan siyang sagutin ito ng makita kung sino ang tumawag, pero ginawa niya pa rin.

“God! Mabuti sinagot mo. Any problem?” alalang alala na boses ang narinig ni Sam.

“Uh…Hello Elmo. This is Sam, classmate ni Julie. Naiwan kasi ni Julie ang phone niya sa sasakyan ko.”

Nagulat si Elmo. “Oh I see. Hindi ba siya nasundo ng driver nila?”

“Ah…ano kasi…we rushed her to the hospital. So sasakyan ko ang ginamit.”

Lalong nagulat si Elmo, ramdam ni Sam ang pagtataranta sa boses niya. “Hospital?! Why what happened to her?!”

“She fainted at school.”

“Bakit daw?! How is she?”

Maingat na nag-isip si Sam. Sa tingin niya ay hindi pa alam ni Elmo ang tungkol sa sakit ni Julie.

“You better ask her mom. Sila yung nandoon sa hospital ngayon.”

“Thanks man!”

Muling pumasok si Sam sa sasakyan niya. Balak niyang bumalik sa ospital at ibalik ang bag ni Julie. Pag dating niya doon ay nagtanong muna siya ng room number na nilipatan ni Julie. Nasa ikatlong palapag ito. Kumatok siya sa pinto.

“Good evening Tita. I’m Sam Concepcion po, uhm, classmate ni Julie. Ibabalik ko lang po sana itong bag niya na naiwan sa sasakyan ko.” Bati ni Sam. Napagtanto niyang yun ang mommy ni Julie sapagkat sa kabila ng wrinkles nito ay lutang na lutang ang kagandahan. Napakaamo ng mukha, hawig na hawig ni Julie.

Ngumiti ito bago sumagot. “Pasok ka muna hijo. Hinanap ka ni Julie kanina.”

Lalong bumigat ang pakiramdam ni Sam ng makita si Julie. Natutulog ito, maraming nakakabit na intravenous infusions, at maputla pa rin.

“Naikwento sa akin ni Julie ang nangyari. Thank you ha?”

“..thank you so much!” napalingon silang dalawa. Nakangiti sa kanila si Julie. Nilapitan ito ni Sam. Binuhat ni Julie ang kamay niya at marahang inabot ang kamay ni Sam. 

Jun 22

Eeeeeh! Sorry! Will post in the next 2 hours!